Sunday, June 8, 2014

ANG TIPO KONG LALAKE

ang tipo kong lalake
yayain ka sa bible study at hindi sa inuman
hindi nagmumura, marunong gumalang

ang tipo kong lalake
hindi pasyonista
malinis ang kuko and di mabaho ang hininga

ang tipo kong lalake
di baleng sintonado basta matalino
di baleng di gaanong gwapo basta walang bisyo

ang tipo kong lalake
mapagbiro pero seryoso
mi pagmamahal sa kapwa at takot sa Dios

ang tipo kong lalake
marunong maghintay
sa kanya singhalaga ng hangin ang pagdarasal

ang tipo kong lalake
ako ang tipo nyang babae
:)