Thursday, November 16, 2017

Greatest struggle

Ang hirap lumimot,
Ang hirap sabihing hindi na kita gusto
Lalong mahirap dahil alam kong mali

Mali dahil hindi mo ako mahal
Mali dahil ikakasal kana sa susunod na buwan
Lubos na mali ang ipilit ang minsang winakasan

Minsan naiisip kong hingin ka sa Panginoon
Ngunit sa isang banda ay may bumubulong na ito ay kasalanan
Dahil hindi ko pwedeng gustuhin ang pagmamay-ari ng iba

Bawat paglipas ng mga araw, makalimutan kang lubos ang tanging dasal,
Ang masaklap, Dios lang mi alam nang aking dinaranas,
Di ko masabi sa mga kaibigan o kapamilya
Ama sa langit lamang ang katuwang

Ang pagmamahal ko sa iyo ako ay pinahihina,
Nagmumukha akong kawawa,
Pilit kong nilalabanan, binabalewala ang damdamin
Bakit ikaw pa rin ang mahal, bakit masakit pa rin

Ayokong magmahal muli hanggat hindi ako sigurado ikaw ay tuluyang binitawan
Malamang pag kasal kana ay wagas ang kalayaan
Anupaman, ayaw na kitang makita muli dahil puso ay siguradon hahapdi
Naiyak ko na lahat at sinusubukang laging masaya kaya sana wag ka ng makita pa

No comments:

Post a Comment