Thursday, February 4, 2010

Aantayin Kita at Sabay Tayo




okay lang daw mgkagusto
di kaya, lalo na pagbabae ka
mg-antay cguro ay pwede pa

di tayo nagpapansinan at di rin magkaibigan
nararamdaman presensya ko'y iyong itinatakwil
ano pa't kahibangan ko sayo'y ititigil na

o gwapo ka, mabait raw at matalino
eh ano ngayon?
di naman ako ang laman ng puso mo


kahit replika kapa ni Jesus sa salita at gawa
mananatali akong babae
mag-aantay sa inilaang prinsipe

mabuti pang kalimutan ka
sayang lang ang paghanga
ayokong nasasaktan at namumukhang tanga

patawarin mo ko o Dios
itong pusong manloloko, kadalasan
ninakaw ang aking kasiyahan

linisin mo ko o Dios
sa mga ninanais na di Sayo
at punan ng tuwirang pagbabago

ipagdarasal at aantayin kita
sabay tayong magsisilbi sa Panginoon at kapwa
sabay tayo sa hirap at ginhawa hanggang sating huling hininga

ipapasa-Dios ang bawat yugto ng ating buhay
kahit sa kasalukuya'y magkahiwalay
mananalig, landas nati'y Kanyang iuugnay

ang araw na tayoy haharap sa altar
ay sing halaga ng araw na ako'y iniluwal
puno ng gabay at biyaya, sa Aklat ng Buhay nailagda

hihina man ang mga tuhod natin
sa pananalig at pananalangin patuloy na maglalakbay
sa Kanyang grasya mamumuhay at magtatagumpay

No comments:

Post a Comment