Sunday, October 3, 2010

SANA


























sana malaman mong ayaw din kitang makita
hindi dahil sa galit ako sayo
kundi yun ang gusto mo
higit sa lahat, masakit din ang iniiwasan

sana mas maraming tama kesa sa mali
ang pagdalo sa unang araw ng skwela
sa pag-aral sa Dabaw
sa pag-aral ng abogasya

sana palagi akong tutulungan ng Dios
na di makaramdam ng inis o pagkamuhi
na malalampasan ang bawat pagsubok na nakangiti
at mi asam ng magandang umaga

sana di mapalampas ang bawat opurtunidad na makapagsilbi
makapagpatawad at magpasaya
naway alalayan sa aking pag-aaral
sa aking pakikitungo sa kanya

sana palaging bukas aking pandinig sa gabay Nya
lulunurin ang sarili sa walang wagas na pagmamahal
sa sayang tunay na di mapapawi
sa awang sariwa sa bawat pagsikat ng araw

o Dios ko, sana
ikaw palagi ang laman ng puso at isipan ko
na akoy gawin mong biyaya sa iba
di mapagmataas at di nagkukunwari

sana ang panimula ko'y babaguhin
di man sa aking pamamaraan
o sa konklusyong pinangunahan
ang mahalaga ay buo ang buhay sayo O Dios

2 comments:

  1. hahaha! can i just laugh? no further comment/s. *_^

    ReplyDelete
  2. i concur with co-counsel torreon... hahahaha

    ReplyDelete