Monday, November 8, 2010

ika-apat na palapag

tanaw ko ang mga ulap
maglakad o matulog rito'y pangarap
o kay sarap damhin--halik ng hangin

katahimikan ay buo
walang musika o aninong sagabal
sa kina-uupuan-- antok ang kalaban

babalik-balikan mahal kong tambayan
kahit lingguhan lang
taon-taon na ang ating pinagsaluhan


fourth floor finster
biyaya kang lubos
asahan mo ako sa mga susunod pang linggo

No comments:

Post a Comment