Wednesday, February 23, 2011

nanay

bangon na mahal
sabay nating purihin ang Maykapal
pasasalamatan sa bagong simula

ihahatid ang mga supling
halik ni inay baon ni neneng
ingat anak ang huling bilin

ituloy ang araw
babatiin ang katrabaho
ibabahagi ngiti at pochero

uuwi ng maaga
ihahanda ang tinola
kain mga mahal, tayo'y lubos na pinagpala

araw ay matatapos
muling magpapasalamat sa Dios
sa pag gabay sa aking pamilya

i leave to God how I shall be a housewife-lawyer :)

No comments:

Post a Comment